^

Metro

Bus nagliyab

-

MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bus ang nagliyab habang tumatakbo sa kahabaan ng Roxas Blvd., kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang magliyab ang naturang bus sa tapat mismo ng Baclaran church sa Roxas Boulevard, nabanggit na lungsod.

Nabatid na kagagaling lamang sa Cavite ng Jasper Bus Line (TVG-924 ) na minamaneho ni Mullah Cantos at kasalukuyang tinatahak   ang kahabaan ng southbound lane ng Roxas Boulevard nang biglang umusok ang makina ng nasabing sasakyan hanggang sa tuluyang magliyab.

Nagdulot naman ng sobrang pagka-taranta ng humigit-kumulang sa 30-pasahero ang naturang senaryo, dahilan upang nag-unahang magtalunan ang mga ito palabas sa mga bintana ng bus nang tuluyang magliyab ito. Lumalabas sa imbestigasyon, na nag-overheat ang makina ng naturang bus na nagresulta sa tuluyang pagkasunog nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BACLARAN

BATAY

CAVITE

ISANG

JASPER BUS LINE

LUMALABAS

MULLAH CANTOS

ROSE TAMAYO-TESORO

ROXAS BLVD

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with