^

Metro

Quezon City Hall nasunog: 4 bumbero sugatan

-

MANILA, Philippines - Apat na miyembro ng pa­ma­tay-sunog ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa gusali ng Quezon City Hall ka­hapon ng umaga, ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa inisyal na ulat ni SPO4 Jose Nagpacan ng Quezon City Fire Station, nakilala ang mga sugatan na sina FO3 Manuel Cabigao; at mga fire volunteer na sina Nestor Ong, Alvin Cuña, at Elmer Aranas mula sa QC Fire Department at Central Fire Department.

Sinasabing ang mga bikti­mang sina Cabigao, Cuña at Ong ay nagtamo ng mga sugat sa dibdib, at binti matapos ta­maan ng bumabagsak na debris habang si Aranas naman ay inatake ng hypertension habang inaapula ang nasusu­nog na gusali ng City Hall.

Ayon sa ulat, ang nasunog na departamento ay ang Treasury; Accounting; Fiscal’s Control Office; Legislative Train­ing room; at ang annex ng na­sabing city hall sa ikatlong palapag nito.

Sinasabing nagsimula ang sunog ganap na alas-9:13 ng umaga nang isang pagputok ang narinig umano mula sa loob ng isang tanggapan nito hang­gang sa lumikha ng apoy at tuluyang maglagablag at lamu­nin ang nasabing palapag.

Mabilis namang rumes­ponde ang mga kagawad ng pamatay-sunog dahilan upang agad na makontrol ang apoy dakong alas-10:30 ng umaga.

Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang mopping ope­ra­tion ng BFP sa nasabing lugar habang inaalam pa ang tunay na dahilan ng sunog.

“Medyo may nakikita ka­ming palatandaan sa kisame na doon nagmula pero hindi pa natin tiyak kung dito nga ito nagsimula kaya iniimbestiga­han pa rin natin,” ayon pa kay Nagpacan.

 Samantala, pinapurihan naman ni Mayor Sonny Bel­monte ang kabuuan ng mga pa­matay-sunog na rumesponde sa nasabing insidente bunga ng mabilis na pag-apula nito sa nasabing sunog.

Pansamantala namang si­nus­pinde ang transaksyon sa Hall of Justice habang tuloy naman ang operasyon sa iba pang tanggapan ng nasabing City Hall. Tinatayang aabot sa 20 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala sa nasabing sunog. (Ricky Tulipat at Angie dela Cruz)

ALVIN CU

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CENTRAL FIRE DEPARTMENT

CITY HALL

CONTROL OFFICE

ELMER ARANAS

FIRE DEPARTMENT

HALL OF JUSTICE

SHY

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with