^

Metro

13 Pulis sa MM sinibak

-

MANILA, Philippines – Dahilan sa kabiguang dumalo sa paglilitis ng korte sa drug case, 13 pulis na nakatalaga sa Metro Ma­nila ang ipinasibak ka­ha­pon ni Philippine Na­tional Police (PNP) Chief Di­rector General Jesus Verzosa.

Ayon kay PNP Spokes­man Chief Supt. Nicanor Bartolome, ito’y ma­tapos na maalarma si Verzosa sa pagkakadismis ng kaso ng mga naarestong drug traf­ficker dahilan lamang sa ka­­biguang dumalo sa pag­li­litis ng korte ng naturang mga pulis.

Kinilala ni Bartolome ang mga sinibak na sina PO3 Joel Sanchez, PO2 Rommel Bulanon, PO3 Leonardo Ramos, PO3 Teresita Reyes; pawang ng Quezon City Police District ; PO3 Perlito Obli­gacion, PO1 Garvin Mendi, PO1 Joseph Tedd Leonor, PO1 Arnel Templa, PO1 Gerald Lagos; mga kasapi naman ng Southern Police District (SPD) PO2 Dennis Adan, PO2 Noe Abrdo, PO2 Moises Ramos at PO1 Jay Angeles; mula sa Manila Police District (MPD).

Inihayag rin ni Barto­lome na sina SPO1 Robert Carino ng SPD ay na-de­mote o ibinaba ng ranggo. Ang nasabing statistics sa naturang mga pulis ay na­itala mula Abril 13-20, 2009 bilang bahagi ng pinalakas na kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga at patuloy na monitoring sa mga kasong may kinala­man dito.

Nabatid na sa nasa­bing period ay nasa 20 ka­song kriminal ang naisam­pa ng PNP laban sa 23 pang mga pulis na nabi­gong dumalo sa paglilitis ng kaso alin­ sunod sa pina­iiral na Sec­tion 91 ng Re­public Act 9165 o ang Com­prehen­sive Drugs Act of 2002.

Ayon pa sa PNP Spokesman bukod sa kasong administratibo ay maha­harap rin sa kasong kriminal ang naturang mga pulis bunga ng kapaba­yaan sa pagtupad ng tungkulin. (Joy Cantos)


ARNEL TEMPLA

AYON

CHIEF DI

CHIEF SUPT

DENNIS ADAN

DRUGS ACT

GARVIN MENDI

GENERAL JESUS VERZOSA

GERALD LAGOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with