MANILA, Philippines - Halos maputol ang leeg ng isang negosyante habang kritikal naman ang isa pa matapos pagtatagain ng naburyong na lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot si Jonathan Algara, 54, ng Negros Occidental, habang ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Rolito Natan, 34, stay-in helper ng Felico Rivera Farm sa Ignacio St., Baesa, Caloocan City.
Nakatakas naman ang suspek na nakilala lang sa alyas na “Ryan” ng nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, nasa loob ng nasabing farm ang mga biktima nang lapitan ng suspek na armado ng jungle bolo. Walang salitang pinagtataga ng suspek ang mga biktima bago tumakas habang dinala naman si Natan sa nabanggit na ospital.
Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)