^

Metro

Amok: 1 patay, 1 sugatan

-

MANILA, Philippines - Halos maputol ang leeg ng isang negosyante habang kritikal naman ang isa pa matapos pagtatagain ng naburyong na lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si Jonathan Algara, 54, ng Negros Occi­dental, habang ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center   si Rolito Natan, 34, stay-in helper ng Felico Rivera Farm sa Ignacio St., Baesa, Caloocan City.

Nakatakas naman ang suspek na nakilala lang sa alyas na “Ryan” ng nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, nasa loob ng nasabing farm ang mga biktima nang lapitan ng suspek na armado ng jungle bolo. Walang salitang pinagtataga ng suspek ang mga biktima bago tumakas habang dinala naman si Natan sa nabanggit na ospital.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)


AYON

BAESA

CALOOCAN CITY

FELICO RIVERA FARM

IGNACIO ST.

JONATHAN ALGARA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LORDETH BONILLA

NEGROS OCCI

ROLITO NATAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with