Bangkay ng dating guro natunton

MANILA, Philippines - Masansang na amoy ang naging daan para matunton ang bangkay ng isang retiradong guro na pinagna­kawan na ay pinatay pa sa loob ng kanyang tahanan sa Don Bosco, Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Ang naaagnas na bang­kay ng biktimang si Ma. Christina Raymundo, 63, dalaga, ay natagpuan da­kong alas-8:00 ng gabi na duguang nakahandusay sa loob ng kaniyang bahay sa #125 Merriment St., Annex 18, Better Living Subdivision, Don Bosco.

Batay sa imbestigasyon nina PO3 Reynaldo Serafica at PO1 Pio Calvo Jr., nitong nakaraang Huwebes ng gabi, nakaagaw-pansin sa mga residente ang masang­sang na amoy na nagmu­mula sa bahay ng biktima.

Hindi umano unang pinansin ng mga kapitbahay ang masamang amoy na habang tumatagal ay lalong tumitindi ang alingasaw nito.           

Dahil dito, agad na ipi­naalam ng kapitbahay na si James Cosico sa guwar­diya ng subdivision na si Mario Ruben ang nasabing insi­dente upang alamin kung ano ang sanhi ng maba­hong amoy sa bahay ng biktima.

Nang mabuksan ang pintuan ng bahay ng biktima, natunton ang naaagnas na bangkay nito na nakahan­dusay sa kusina at magu­long-magulo ang buong ka­pali­ giran na palatandaang hina­lughog ang buong kabahayan.

Ang biktima ay huling nakitang buhay ng mga kapitbahay nitong nakara­ang Abril 27. (Rose Tesoro)

Show comments