^

Metro

Pacman crime buster na rin

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan, naging mapayapa na na­man ang buong Metro Manila kahapon ng umaga dahil sa laban nina People’s Champ Manny “Pacman” Pacquiao at Ricky “The Hitman” Hatton.

Sinabi ni National Capital Region Police Office Director General Roberto Rosales na mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ay wala silang naitalang krimen sa buong kalakhang Maynila.

Sinabi pa ni Rosales na maaring abala rin ang mga kriminal sa panonood ng laban nina Pacquaio at Hatton ngunit nag­talaga rin siya ng mga pulis sa mga lugar kung saan ginaganap ang libreng public­ viewing tulad sa sinehan, restaurant, gym at stadium.

Samantala, tinawag na­man ni Philippine National Police Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome na crime buster ng PNP si Pacquiao dahil naga­gawa nitong patigilin ang mga kriminal at masasa­mang loob na gumawa ng mga karahasan sa pana­hon ng kaniyang laban.

Inamin ni Bartolome na sa nakalipas na mga laban ni Pacman ay maraming lugar sa bansa ang naka­ka­pagtala ng zero crime rate o kung hindi man ay maba­bang bilang ng mga karahasan.

Ang ganitong pangya­yari anya’y sumisimbulo na oras ng labanan ay nag­kakaisa ang mga Pinoy.

vuukle comment

CHAMP MANNY

HATTON

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE DIRECTOR GENERAL ROBERTO ROSALES

NICANOR BARTOLOME

PACMAN

PACQUIAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE SPOKESMAN CHIEF SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with