^

Metro

Bisor sugatan sa holdap

-

MANILA, Philippines - Isang 34-anyos na ginang ang pinagsasaksak ng isang holdaper nang manlaban siya rito sa Main Road, Bagong Silang, Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nasa malubhang kalagayan pa sa East Avenue Medical Center habang isinusulat ito ang biktimang si Jean Garner, superbisor ng isang pabrika ng siopao at residente rin sa Bagong Silang.

Sinasabing naglalakad sa nasabing lugar ang biktima papauwi nang lapitan siya ng hindi nakikilalang suspek at akbayan sabay deklara ng holdap habang nakatutok ang patalim sa leeg nito.

Nang kukunin ng suspek ang gamit ng biktima ay pumalag ang huli sanhi upang mapilitang saksakin ng una bago mabilis na tumakas. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

BAGONG

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ISANG

JEAN GARNER

MAIN ROAD

NANG

RICKY TULIPAT

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with