Katayan sa Munti ipinasara
MANILA, Philippines - Tuluyan nang ipinasara kahapon ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City ang isang pribadong katayan ng baboy o slaughterhouse na pag-aari ng kapatid ng isang dating alkalde ng lunsod makaraang magreklamo ang mga residente sa palibot nito sa polusyon na dulot ng kanilang iligal na operasyon.
Nabatid kay Muntinlupa Business permit and Licensing Office Chief Rodolfo Oliquino na ang pagpapasara sa Presnedi Slaughterhouse sa San Guillermo St., Putatan sa naturang lunsod ay bunga na rin ng kawalan nito ng kaukulang mga permit, sa polusyong idinudulot nito sa Laguna de Bay, at masangsang na amoy na isinisingaw sa operasyon ng katayan.
Napag-alaman na ang naturang slaughterhouse ay pag-aari ni Daniel Fresnedi na kapatid naman ni dating Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending