^

Metro

Tindero binoga ng sundalo, todas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Butas ang bungo ng isang fish balll vendor­ na siyang agad na ikinamatay nito makaraang pagbuntunan ito ng galit ng isang sundalo ng Armed Forces of the Philippines at barilin habang nagtatalo ang huli at isa nitong kamag-anak sa lunsod ng Malabon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City Police Chief Senior Supt. Roberto Villanueva ang na­sawi na si Emmanuel Castro, 22, re­si­dente ng Brgy. Catmon sa naturang lunsod.

Arestado naman ang suspek na si Technical Sgt. Romeo dela Torre, 39, ng AFP Reserve Command at kapitbahay ng biktima.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may Hernandez St. malapit sa bahay ng suspek at biktima.

Nauna rito, nagtatalo sina dela Torre at isang kamag-anak nito sa hindi malamang dahilan nang biglang mag-init at mapikon ang suspek. Nagkataon namang nasa na­sabing lugar din si Castro na naglilinis ng kanyang kariton at napatingin sa kanila na lalong ikinainis ng suspek at ito ang pinag­balingang barilin sa ulo.


vuukle comment

ARESTADO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BRGY

EMMANUEL CASTRO

HERNANDEZ ST.

MALABON CITY POLICE CHIEF SENIOR SUPT

RESERVE COMMAND

ROBERTO VILLANUEVA

TECHNICAL SGT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with