Preso nadulas sa selda, patay
MANILA, Philippines - Isang preso sa Quezon City Police District-Station 3 (Talipapa) ang nasawi makaraang mawalan ito ng balanse at bumuwal sa semento sa loob ng nasabing kulungan kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima ay kinilalang si Ramil Clemente, 23, walang trabaho, ng Balintawak Quezon City. Nakulong siya dahil sa droga.
Nauna rito, nakikipagkuwentuhan si Clemente sa ibang mga preso sa selda nang bigla siyang tumayo pero nawalan siya ng balanse hanggang bumagsak sa semento at mawalan ng malay.
Isinugod ng mga pulis ang biktima sa Quezon City General Hospital pero nalagutan din ito ng hininga. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending