^

Metro

13 'durog' sa concert dinakip

-

MANILA, Philippines - May 13 lalake ang inaresto ng pulisya dahil sa paggamit ng droga habang nanonood sa konsiyertong Pop Summer Slump ng iba’t ibang banda sa Amoranto Stadium, Roxas District, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ikinulong sa District Anti-Drug ng Quezon City Police District ang mga suspek na sina Mark Nelson, 20; Wendell Sumighay, 21; Zachariah Peñalosa, 21; Rodolfo Gabiaso, 26; Leonard Tolentino; Ricardo Alcaraz, 24; Ricardo Garcia, 24; Third Adrias, 23; Klaws Reyes, 22; Andrew Penafiel, 20; at mga kaba­taang nasa edad na 17 anyos at 16 anyos.

Ayon sa pulisya, sa bukana ng stadium di­na­kip ang ilan sa mga suspek matapos maku­hanan ng ilang piraso ng marijuana.

Ang ibang suspek ay inaresto naman habang nagkakasayahang sumasayaw sa tugtog ng banda kasabay ng paghithit umano ng marijuana. (Ricky Tulipat)

AMORANTO STADIUM

ANDREW PENAFIEL

KLAWS REYES

LEONARD TOLENTINO

MARK NELSON

POP SUMMER SLUMP

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICARDO ALCARAZ

RICARDO GARCIA

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with