^

Metro

Mahigit 100 bata naserbisyuhan ng libreng tuli sa Navotas

-

MANILA, Philippines - Mahigit sa 100 mga bata ang naserbisyuhan ng “Oplan Libreng Tuli” na isinagawa ng Samahan ng Ma­layang Kabataan ng Navotas (SAMAKANA) na pinangu­ngunahan ni John Rey Tiangco nitong nakaraang Linggo sa Brgy. Sipac Almacen sa unang distrito ng Navotas.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, City Health Office (CHO), Sangguniang Ba­­rangay at Sangguniang Kabataan ang “Oplan Libreng Tuli” ay nasa ika-tatlong taon na libreng isina­sa­gawa ng grupo ni John Rey Tiangco upang matulu­ ngan ang pa­milya ng mga kabataan na hindi maka­yanan ang napakamahal na halaga ng pagpapatuli na halos umaabot sa P1,500. Ngayong buwan ng Mayo ay may­roon pang naka­takdang libreng tuli at ito ay gagawin naman sa ikalawang distrito kaya’t inaasahan na ang pagdagsa ng mga ka­bataang mula siyam na taong gulang upang samanta­lahin ang bakasyon at maka­kuha ng libreng serbisyong ito. Maliban sa libreng pag­tuli ay nagkaloob din ng libreng gamot tulad ng antibiotic at mefenamic acid bilang pain reliever sa mga bata.


vuukle comment

CITY HEALTH OFFICE

JOHN REY TIANGCO

LIBRENG

NAVOTAS

OPLAN LIBRENG TULI

PAMAHALAANG LUNGSOD

SANGGUNIANG BA

SANGGUNIANG KABATAAN

SHY

SIPAC ALMACEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with