^

Metro

Bu­reau of Immigration nagbabala sa mga dayuhang sumasama sa mga kilos-protesta

-

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Bu­reau of Immigration (BI) sa mga dayuhang mi­yem­bro ng People for the Ethical Treatment (PETA) dahil sa pagsama-sama sa mga isinasagawang kilos protesta ng grupo.

Ginawa ni BI Com­mis­sioner Marcelino Li­ba­nan ang nasabing ba­bala matapos ang pag­lahok ng ilang kababa­ihang dayu­han sa isina­gawang pro­testa ng PETA sa Manila Zoo kamakailan.

Ang mga nasabing dayuhan ay nakasuot lamang ng two-piece bikini habang isinasa­gawa ang protesta. Dahil dito nakaagaw pansin ang ginawang iyon ng mga miyembro ng PETA sa kalagitnaan ng Adria­tico St. sa Maynila.

Ayon kay Libanan, kung mapapatunayang may nilabag sa kultura ng bansa ang ginawang pagra-rally ng mga na­sabing dayuhan ay maari silang maipatapon pa­labas ng bansa.

Paliwanag ni Libanan, maaari nilang ipag-utos ang pagpapa-deport sa mga dayuhang lumala­hok sa mga ganitong uri ng “mass actions”, dahil hindi umano dapat abu­su­hin ng mga ito ang hospitality at pribilehi­yong ibinibigay sa kanila para makapanatili sa bansa. Maaari rin umano silang mailagay sa black­list ng BI at hindi na ma­payagan pang maka­pa­sok muli sa bansa.

Sinabi ni Libanan na hindi dapat nanghihima­sok sa mga ganitong uri ng usapin ang mga dayu­han, dahil tila nakikialam sila sa internal affairs ng bansa. At dahil pumasok aniya dito sa bansa bilang mga turista ang mga na­sabing dayuhan, malinaw na paglabag sa kondis­yon ng kanilang pagiging temporary vi­sitors ang kanilang par­tisipasyon sa mga ga­nitong pagkilos.

Base sa ulat na ti­nanggap ng BI, kabilang sa mga dayuhang luma­hok sa nasabing protesta ay ang Canadian na si Ashley Fruno, Australian na si Fawn Porter at si Maria Salom mula sa Argentina.

Sa travel records ng BI, lumilitaw na si Fruno ay dumating sa bansa noong November 25, 2008 bilang turista.

Habang wala namang arrival record na nakita sa database ng BI hinggil sa pagdating sa bansa nang mga pangalang Fawn Porter at Maria Salom. (Gemma Amargo-Garcia)

ASHLEY FRUNO

BANSA

ETHICAL TREATMENT

FAWN PORTER

GEMMA AMARGO-GARCIA

LIBANAN

MANILA ZOO

MARIA SALOM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with