^

Metro

Frozen meat iwasan muna - Isko

-

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Acting Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno ang publiko na huwag bumili at huwag magbenta ng imported frozen meats sa lahat ng pamilihan, malls at meat­shops sa Maynila hang­ ga’t walang kasiguruhan na ang mga ito ay ligtas sa A/H1N1 virus o swine virus.

Ang pahayag ni Mo­reno ay bunsod na rin ng malakas na konsumo ng mga Pinoy sa mga im­ported frozen meats na kadalasang ginagamit sa mga five-star hotels, res­taurants at sa napaka­raming fast food chains.

Matatandaan na isa rin ang Pilipinas sa malakas mag-angkat ng mga im­ported meats na galing Amerika at iba pang north American countries na siya namang tinutukoy na epi­center ng swine flu pan­demic.

Samantala, tiniyak naman ni Chief of the Staff Ric de Guzman na may­roon ng direktiba ang local health department na mag­lagay ng 24-hours monitor­ing team para sa mga taga-lungsod na dadapuan ng influenza o trangkaso dahil iisa lamang ang sin­tomas ng swine flu sa ordinaryong human flu.

Tiniyak din ni De Guz­man na mayroong sapat na gamot o pangontra sa flu virus ang lungsod at kung ito ay ka­kapusin ay mayroong nakahandang contingency funds upang bumili ng sapat na pa­ngangailang gamot para dito. (Doris Franche)


vuukle comment

ACTING MANILA MAYOR FRANCISCO

AMERIKA

CHIEF OF THE STAFF RIC

DE GUZ

DORIS FRANCHE

GUZMAN

ISKO

MATATANDAAN

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with