^

Metro

3 hijackers utas sa shootout

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Tatlong kalalakihan

   na hinihinalang mga hi­jacker ang nasawi ma­tapos na makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Calo­ocan City.

Kinilala ni Chief Supt. Samuel Pagdilao, NPD chief ang dalawa sa tat­long suspek na sina Randy Mendiola, 38, ng San Rafael, Bulacan at Lazaro Herrera, 45, ng San Idelfonso, Bulacan, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa isa pang nasawi.

Ayon sa ulat, naka­tanggap ng impormas­yon ang tanggapan ng National Capital Region, Criminal Investigation and Detection Group (NCR-CIDG) na na-hi­jack ang truck ng Golden Express (PKV-697) na   nag­lalaman ng mga ba­kal patungong Calo­ocan City. Dahil sa im­pormas­yon ay kaagad na naki­pag-ugnayan ang CIDG sa Caloocan City Po­lice, kaya’t nagtatag ng check­­point sa kaha­baan ng C-3 Road ng na­bang­git na lungsod, da­kong alas-12 ng ma­da­ling-araw.

Positibo namang na­mataan ng nabanggit na mga operatiba ang truck sa naturang lugar at ka­nila itong pinara subalit hindi   huminto.

Mabilis na hinabol ng mga pulis ang truck hang­gang sa maabutan sa may 8th Avenue, gayunman sa halip na sumuko ang mga sus­pek, pinutukan ng mga ito ang mga pulis. Dahil dito napilitan na ring gumanti ng putok ang mga awto­ridad na ikinasawi ng tatlong suspect.


BULACAN

CALO

CALOOCAN CITY PO

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAHIL

GOLDEN EXPRESS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with