Binatilyo naglason matapos ayawan ng ina ng nobya
MANILA, Philippines - Patay ang isang 16-anyos na binatilyo matapos tu mungga ng silver cleaner makaraang ayawan ito ng nanay ng kanyang kasintahan kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Nakilala ang nasawi na si Ronnie Agullo, ng Malvar St., Brgy. Pag-Asa, Camarin ng nabanggit na lungsod. Ayon sa report ng pulisya, naganap ang pagpapatiwakal dakong alas-3 ng madaling-araw sa bahay ng biktima. Unang narinig ang pagdaing ng nasawi at nang tunguhin ito ng kanyang mga kaanak sa kuwarto ay doon nakitang bumubula na ang bibig nito katabi ang isang botelya ng silver cleaning solution na pinaniniwalaang ininom nito. Nabatid sa mga pinsan ng biktima na masama ang loob nito dahil ayaw sa kanya ng ina ng kanyang nobya na sinasabing posibleng dahilan ng pag-inom ng lason ng binatilyo. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending