^

Metro

Binatilyo patay sa sagasa

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 16 -anyos na estudyante matapos na salpukin ng rumaragasang kotse sa Commonwealth Ave., sa lung­sod Quezon kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang nasawi na si Jerico Merciales, ng Kasunduan St., Brgy. Common­wealth ng lunsod na ito. Nasa kustodiya naman ng pu­lisya ang nakabundol na driver na si Danilo Gozo, 25, nani­nirahan sa Casa Milan Subd., North Fairview. Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Common­wealth kanto ng Kasunduan St., sa naturang Brgy. ganap na alas-12:30 ng madaling-araw. Sinasabing sa halip na dumaan sa over­pass ay tumawid ang biktima sa kalsada dahilan upang mabundol ito ng minamanehong   Canter (TPS-194) ng suspek. Nagawa pang maisugod sa Gen. Malvar Hospital ang biktima ngunit idineklara din itong patay. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

BRGY

CASA MILAN SUBD

COMMONWEALTH AVE

DANILO GOZO

JERICO MERCIALES

KASUNDUAN ST.

MALVAR HOSPITAL

NORTH FAIRVIEW

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with