^

Metro

2 bebot timbog sa pekeng LTO car plates

-

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga ele­mento ng Special Task Force ng PNP na nakabase sa Land Transportation Office (LTO) sa tulong ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)  ang dalawang babae na nagbe­benta ng pekeng LTO car plates sa isang buy-bust operation sa Baclaran Pasay City.

Sa kanyang report kay LTO Chief Arturo Lomibao, kinilala ni Police Sr. Supt Robert Ganzon ang mga suspek na sina Berna­deth Tamayo at Annabel Alva­ran, kapwa taga Pangasinan.

Dinakip ang dalawa sa aktong tinatanggap ang hala­gang P12,500 sa poseur-buyer bilang kabayaran sa 5 sets ng pekeng LTO red car plates na may kasamang LTO stickers at dokumento. Binusisi naman ng LTO operatives na ang mga kumpiskadong plaka ay hindi orihinal na gawa sa LTO office dahil sa kakaibang feature nito.

Gayunman, inutos ni Lomi­bao ang masusing pag-imbes­tiga kung may kinalaman ang mga tauhan sa LTO sa pag­gawa ng mga pekeng plaka. Anya, agad na kakasuhan at malamang na masibak sa trabaho ang sinumang tauhan sa LTO na mapapatunayang may kinalaman sa pagbebenta ng mga pekeng car plates. (Angie dela Cruz)


ANNABEL ALVA

BACLARAN PASAY CITY

CHIEF ARTURO LOMIBAO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

POLICE SR. SUPT ROBERT GANZON

SHY

SPECIAL TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with