^

Metro

Vendor nilooban na, pinatay pa

-

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang 21-anyos na dalaga sanhi ng pagkabasag ng bungo at pagkakasakal ng hinihinalang mga magnanakaw na nanloob sa tinatanuran nitong karinderya sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawing biktima na si Robilen Pongcol, nagta­trabaho bilang tindera sa Arny Dading Peachy-peachy store na nasa #48-A, Congressional Avenue, Project 8, ng nabanggit na lungsod.

Sa inisiyal na ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, natuklasan ang bangkay ng biktima ganap na alas- 6:30 ng umaga sa loob ng nasabing tindahan.

Bago nito, ayon kay Chester Abello, driver ng may-ari ng tindahan, tinatawagan umano niya ang cellphone ng biktima ngunit hindi ito sumasagot kung kaya nagpasya siyang tawagan ang among si Alfie Alcantara bago humingi ng tulong sa mga awtoridad kung saan nabatid na napaslang na ang huli.

Sinasabing alas-5 ng hapon nang ihatid ni Abello ang biktima sa nasabing lugar para magbantay, hanggang sa matagpuan na lamang itong walang buhay kinabukasan.

Ayon kay Insp. Rey Medina, block commander ng PCP 3 ng Station 3, pagnanakaw ang motibo ng nasabing krimen dahil magulo ang lugar at nawawala rin ang halagang P14,000 na kita ng tindahan. Posible anyang nanlaban ang biktima sa mga suspek kung kaya napilitan ang mga itong patayin ang una. Magka­gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

ABELLO

ALFIE ALCANTARA

ARNY DADING PEACHY

AYON

CHESTER ABELLO

CONGRESSIONAL AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

REY MEDINA

RICKY TULIPAT

ROBILEN PONGCOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with