^

Metro

10,000 aso nabakunahan ng anti-rabies

-

MANILA, Philippines - Mahigit 10,000 aso ang nabakunahan sa lungsod ng Caloocan bilang bahagi ng kampanya nitong pro­tektahan ang publiko laban sa mapanganib na canine virus.

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, patuloy na nag­sa­­ sagawa ang City Veterinary Office (CVO) ng pina­lakas na anti-rabies vaccination campaign sa 188 barangay ng lungsod si­mula pa nitong Enero para makamit ang, “20,000 dogs by September 28” na target nito kasabay ng pagdaraos ng World Rabies Day.

Gayunpaman, nagsa­gawa rin ang CVO ng karagdagang pagbaba­kuna ng mga alagang hayop bilang bahagi ng programa nitong “Pet Mo, Labas Mo” o pet animal health management program nitong mga buwan ng Peb. para sa aniber­saryo ng Caloocan at Marso, bilang paggunita sa Rabies Awareness Month. 

Ang ibinibigay na ser­bisyong ito ng city government ay walang bayad sa kooperasyon ng Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture.

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY VETERINARY OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

LABAS MO

PET MO

RABIES AWARENESS MONTH

SHY

WORLD RABIES DAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with