^

Metro

Pacquiao-Hatton fight libre sa Manila

-

MANILA, Philippines - Tulad na rin ng nakasanayan, mapapanood nang libre sa ilang lugar sa Maynila sa Linggo ang pinaka­hihintay na labang Manny Pacquiao-Ricky Hatton sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, inatasan na niya sina Chief of Staff Ric de Guzman at City Administrator Jesus Mari Marzan na makipag-ugnayan upang maayos na maipamigay ang admission tickets sa mga Manilenyo at makapanood sa mga sports complexes at covered courts.

Kabilang sa mga pagdadausan ng “Battle of East and West” ang Tondo Sports Complex, Del Pan Sports Complex, Rasac Covered Court , Dapitan Sports Complex, San Andres Sports Complex at Teresa covered court.

Samantala, tinutulan ng mga konsehal na sina Joel Chua (3rd district) at Manuel Zarcal ang panukala ni 1st District Councilor Arlene Koa na gawing adopted son ng Maynila ang mga boxing champion na sina Nonito Donaire Jr. at Brian Viloria.

Idiniin ng dalawang konsehal hindi naman nag­simula sa Maynila si Donaire at Vilora kaya hindi ito maaaring sabihin na “adopted sons” ng Maynila.

Hindi umano tulad ni Pacquiao na nagsimula ng kanyang pagsasanay sa Maynila at nagbigay ng kontribusiyon, sina Donaire at Viloria ay sa ibang bansa nagsimula.

Iginiit pa nina Chua at Zarcal na, bagaman dapat na bigyan ng parangal ang dalawang boksingero, dapat din umanong isipin ni Koa ang kanyang mga panukala. (Doris Franche)

BATTLE OF EAST AND WEST

BRIAN VILORIA

CHIEF OF STAFF RIC

CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

DAPITAN SPORTS COMPLEX

DEL PAN SPORTS COMPLEX

DISTRICT COUNCILOR ARLENE KOA

DONAIRE

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with