^

Metro

2 kelot nagbigti

-

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 37-anyos na part time driver ang kaniyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na hindi na nito nakayanan ang kinakaharap niyang kasong child abuse, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Patay na nang idating sa Manila Adventist and Sanitary Hospital si Joseph “Letlet” Caneo, residente ng Leveriza St., Brgy. 19, Zone 2, nabanggit na lungsod.

Nabatid na isang suicide note ang iniwan ng biktima na may mga katagang: “Alam mo ’nay mahal na mahal ko po kayo pati si Ate Det, siguro naman sa mga araw na ito, hindi na ko dapat mag­tagal dito sa mundo. Nay sana kapag wala na ako, tulungan n’yo naman po kayo ni Ate, yong pantalon na ibinili sa akin ni Mama Baby, yon ang ipasuot nyo sa akin”.

Natuklasan din sa pagsisiyasat na labis na kahihiyan sa pamilya ang motibo ng pagpapatiwakal ng biktima nang ma-demanda ito ng child abuse ng isa sa kanilang kapitbahay may dalawang buwan na ang nakalipas.

Samantala isa ring   mister ang nagbigti matapos nitong hindi makayanan ang sobrang kahirapan sa buhay kahapon ng umaga sa Caloocan City. Nakilala ang nasawi na si Joselito Alday, 36 ng Tagaytay St., ng lungsod na ito.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:45 ng umaga nang makitang naka­bigti ng nylon cord ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng kan­yang mga kaanak. Nabatid na idinadaing lagi ng biktima ang hirap ng kanilang buhay, na hinihinalang motibo sa isinagawang pagpa­pakamatay. (Rose Tamayo-Tesoro at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ATE DET

CALOOCAN CITY

JOSELITO ALDAY

LEVERIZA ST.

LORDETH BONILLA

MAMA BABY

MANILA ADVENTIST AND SANITARY HOSPITAL

NABATID

PASAY CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with