Pagkustodya ni Lim kay Lozada, ibinasura ng korte
MANILA, Philippines - Ibinasura ni Metropolitan Trial Court Judge Jorge Emmanuel Lorredo ng Branch 26, ang alok ni Manila Mayor Alfredo Lim sa NBN-ZTE witness Rodolfo “Jun” Lozada na maipasailalim sa kanyang kustodiya ang huli sa sandaling arestuhin kaugnay sa kasong perjury na isinampa laban sa kanya ni dating Presidential Management Staff Mike Defensor.
Kasabay nito, agad namang nagpiyansa si Lozada matapos na i-deny ng korte ang kanyang application for recognizance. Sa resolusyon ipinalabas ni Lorredo, sinabi nito na nabigo si Lozada na makapagpakita na may probisyon sa rules of court na pumapayag na mapalaya siya sa ilalim ng kustodiya ni Lim.
“As correctly pointed out by the Public Prosecutor, accused failed to show any law or provision of the rules of court which allow him to be released under the custody of responsible person,” ayon pa sa resolusyon ni Lorredo.
Magugunita na idinismiss na ni Lorredo ang naturang perjury case ni Lozada, pero binaligtad ni MRTC Judge Cicero Jurado Jr., ng Branch 11, ang kanyang desisyon dahilan para maakusahang guilty si Lozada sa kasong perjury na isinampa ni De fensor at labasan ito ng warrant.
Ang pagsasampa ng kasong perjury kay Lozada ay nag-ugat sa testimonya umano nito sa Court of Appeals at Senado kaugnay sa kanyang nalalaman sa NBN-ZTE deal. (Doris Franche)
- Latest
- Trending