^

Metro

Pasay City Ge­neral Hospital naka quarantine

-

MANILA, Philippines - Kasalukuyang isinasa-ila­lim ngayon sa masusing qua­rantine ang Pasay City Ge­neral Hos­pital (PCGH) upang mailigtas ang mga pasyente rito sa pag­kaka­hawa ng naka­mamatay na “pseudomonas aeruginosa bacteria” maka­ra­ang mapag-alaman na “kon­ta­minado” nga nito ang naturang pagamutan.

Sa isang exclusive inter­view ng PSN kay Cherry Caranay, Administrative Offi­cer ng PCGH, inamin nito na isinasa-ilalim ngayon sa qua­rantine ang nabanggit na pagamutan at isang linggo ng under fumi­gation ang pedia ward at surgery ward ng gusali.

Nabatid na ang pagsasa-ilalim ng naturang quarantine ay matapos na matuklasan na nagtataglay nga ng bacteria ang naturang mga wards mula sa mga batang pasyente na du­ma­ranas ng karamda­man, parti­kular ng mataas na lagnat.

Sa kasalukuyan ay nana­na­tili umanong naka-pinid ang sur­gery at pedia wards ng PCGH.

Kinumpirma rin ni Caranay na noon pang nakalipas na Lunes sinimulan ang fumiga­tion at tinatayang matatapos ito sa darating pang Lunes.

Wala naman aniyang dapat na ikabahala ang mga pasyente dahil ginagawa na ng pamu­nuan ng PCGH ang kaukulang mga hakbang upang mabig­yang-proteksyon ang mga pas­yenteng nana­natili pa rin sa loob ng na­sabing pagamutan.

Sinasabing ang pagkaka­tuklas sa kontaminasyon ng nasabing bacteria sa PCGH ay makaraang magsagawa ng pagsusuri dito at mag-positi­bong na-detect sa dugo ng ilang pasyente ang na­turang bac­teria. (Rose Tamayo-Tesoro)

ADMINISTRATIVE OFFI

CARANAY

CHERRY CARANAY

KASALUKUYANG

KINUMPIRMA

NABATID

PASAY CITY GE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with