^

Metro

3 pa sugatan, 2 tinedyer tupok sa kotse

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na pagka­sawi ang inabot ng dalawa katao makaraang masunog ang mga ito sa loob ng sina­sakyang kotse na unang sumalpok sa isang poste ng kuryente, kama­kalawa ng gabi sa Manda­luyong City.

Halos hindi na makilala ang mga bangkay ng mga biktimang sina Carla Mae Otogawa, 19-an­yos, dalaga, ng Aguho St., Project 3, Quezon City at Ralph Adrian Chua Tuazon, 18, Gen. Vi­cente Lim St., San Juan City. Kritikal naman sa inten­sive care unit ng The Medical City Hos­pital ang driver ng kotse na si Alfonso Rafael Miranda, ng Clairmont Town Homes, Acacia Lane, Manda­luyong City ha­bang isinugod naman sa Car­dinal Santos Medical Center ang dalawa pang biktima na sina Michael Andrew Viray, 24, at Rosalie Navarro, 21.

Sa ulat ni Sr. Insp. Elmer Rey Constan­tino, hepe ng Man­daluyong Station Traffic En­force­ment Unit, dakong alas-8:55 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa may Ortigas Avenue, Brgy. East Greenhills, Mandaluyong City. Nabatid na sakay ang limang biktima ng isang pulang Honda Civic (WJX-638) nang bumangga ito sa poste ng kuryente.

Ayon sa mga nakasaksi, napakabilis umano ng takbo ng sasakyan nang rumampa sa center island at diretsong su­malpok sa poste. Dito na su­mik­lab ang makina ng kotse at tuluyang kumalat ang apoy sa buong sa­sakyan.

Masuwerte naman sina Mi­randa, Viray at Navarro na na­gawang makalabas ng kotse bago tuluyang lamunin ito ng apoy. Posible naman umano na na­walan ng malay sina Oto­gawa at Chua sa lakas ng pag­kaka­bangga na tuluyang naipit sa loob ng sasakyan at natusta ng apoy.

Bigo naman ang pulisya na makakuha ng detalye sa tatlong nakaligtas na nana­natiling tikom ang mga bibig na posibleng dahil sa “under shock” pa ang mga ito. Tini­yak naman ng mga awtoridad na hindi nakainom ang mga biktima at maaaring nawalan ng kontrol sa sasakyan si Miranda dahil sa posibleng dulas ng kalsada.

Sa kabila nito, inihahanda pa rin ng pulisya ang pagsa­sampa ng kasong reckless im­­prudence resulting to double homicide laban kay Miranda dahil sa pagkasawi ng dalawa niyang kasamahan.

ACACIA LANE

AGUHO ST.

ALFONSO RAFAEL MIRANDA

CARLA MAE OTOGAWA

CLAIRMONT TOWN HOMES

EAST GREENHILLS

ELMER REY CONSTAN

HONDA CIVIC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with