^

Metro

Dalagita kinalasan ng nobyo tumungga ng silver cleaner

-

MANILA, Philippines – Kasalukuyang ginagamot sa University of Sto. Tomas (UST) Hospital ang isang 15-anyos na dalagita makaraang magtangkang magpakamatay sa pamamagitan nang pag-inom ng silver cleaner sa loob ng kanilang tahanan bunga ng pakikipagkalas ng nobyo sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, ang dalagita na residente ng Kundiman St., Sampaloc, Maynila ay isinugod sa UST Hospital dakong alas 7:30 ng gabi, kamakalawa ng kaniyang mga magulang bunsod ng pag-inom ng naturang kemikal.

Nabatid sa pulisya na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner ang biktima nang dumating ito sa bahay. Nabigla na lamang umano ang ina ng biktima nang makita ang kalagayan ng biktima na sumusuray na at natumba kaya isinugod sa pagamutan. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

BIKTIMA

INOM

KASALUKUYANG

KUNDIMAN ST.

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NABATID

NABIGLA

TOMAS

UNIVERSITY OF STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with