Ted Failon, et al nagsumite ng counter affidavit

MANILA, Philippines - Nagsumite na ng kanilang counter affidavit sa Fiscals office sa Quezon City sina Ted Failon kasama ang kan­yang mga kasambahay na sina Carlota Morbos, Pacifico Apacible, Freda Bolleser at hipag na si Pamela Artiche gayundin ang driver na si Glen Polar kaugnay ng obstruction of justice na iniharap laban sa mga ito ng Quezon City Police. Ang affidavit ay isinumite ng mga ito kasama ang abogado ni Ted na sina Atty. Alfred Molo at Christine Tiongco sa tanggapan ni Fiscal Maryjane Pamitan.Sinabi ni Fiscal Pamitan na para sa kasong ito kailangang magpa­labas sila ng resolution sa Abril 29 alinsunod sa tina­takda ng batas sa 15 days ruling mag­mula noong iinquest ang mga ito noong Abril 16. Ang resolution anya ay para lamang sa driver at kasambahay ni Failon at hipag nito dahil ang broadcaster ay hindi pa na-iinquest. (Angie dela Cruz)

Show comments