MANILA, Philippines - Suicide.
Ito ang halos re sulta ng isinagawang pagsusuri ng isang pribadong forensic pathologist kaugnay ng pagkamatay ni Trinidad Etong, misis ni ABS-CBN anchor Ted Tailon.
Sinabi ni Dr. Raquel Fortun sa isang press conference na lumalabas sa isinagawa niyang awtopsiya sa sugat ni Trina na “sinadya” ang pagkakabaril sa ulo nito.
Aniya, ginawa niya ang pagsusuri upang malaman kung paano napatay si Trina at hindi ang dahilan nito, lalo pa ang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo ay malapitan lang kung saan ito ay karaniwan sa mga kaso ng “suicide”.
“Mas malapit ang kaso sa pagpapakamatay kumpara sa ano pa mang nangyari,” ani pa ni Fortun.
Personal na kinuha ng pamilya ni ABS-CBN broadcaster Ted Failon ang serbisyo ni Fortun upang magsagawa ng hiwalay na awtopsiya sa bangkay ni Trina.