^

Metro

Jeepney driver binoga, patay

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang jeepney driver matapos na pagba­barilin ng isa sa dalawang kalalakihang sakay ng motor­siklo sa lungsod ng Quezon kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Romeo Gutierrez Jr., 25, ng Brgy. Commonwealth sa lungsod. Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo at patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may MRB Pilot 3, Manggahan, Brgy. Commonwealth sa lungsod ganap na alas-6 ng umaga habang sakay ng kanyang mina­manehong jeepneey (NWY-798) ang biktima at papa­labas sa kanyang paradahan nang dumating ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo. Isa sa mga ito ang agad na bumaba at saka nilapitan ang biktima at pinagbabaril. Apat na putok ng baril ang narinig mula sa nasabing lugar na nagpabulagta sa biktima na tinamaan ng bala sa ulo.

 Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng awto­­­ridad sa nasabing insidente upang matukoy ang motibo ng pagpatay sa biktima. Ayon kasi sa pamilya ng biktima, wala naman silang nalalaman na kaaway ito sa kanilang lugar na magiging ugat upang siya barilin. Lumilitaw na ang tatay ng biktima na si Mang Romeo ay dating ba­rangay ex-officio sa lugar at hinihikayat na tu­mak­bo bilang presidente ng asosasyon sa naturang lugar kaya inaalam ng mga awtoridad kung ang anggu­long ito ang    maaaring motibo sa pagpatay sa biktima. (Ricky Tulipat)

APAT

AYON

BIKTIMA

BRGY

ISA

KINILALA

MANG ROMEO

RICKY TULIPAT

ROMEO GUTIERREZ JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with