Pekeng dentist, 1 pa arestado
MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kaso ng Eastern Police District (EPD) sa Pasig City Pro secutor’s Office ang isang pekeng dentista at kasabwat nito na nadakip sa isang entrapment operation dahil sa panloloko sa mga kustomer nito, sa Pasig City. Kasong “illegal practice of dentistry” o Republic Act 9484 ang isinampa laban sa suspek na si Gerardo Salandanan, 44, ng M.H. del Pilar St., Purok Rosal, Brgy. Pinagbuhatan at ang kasabwat nitong si Myra Apolnio, 39, manikurista, ng Centennial II, Brgy. Nagpayong, naturang lungsod.
Ayon sa ulat, humingi ng tulong sa pulisya si retired Col. Reynaldo Garcia, miyembro ng Philippine Dental Association at Dr. Arleen Reyes, ng Pasig-Pateros-Taguig Dental Chapter kung saan iniulat ng mga ito ang iligal na pagpapraktis na dentista ni Salandanan. Isang grupo ang binuo ng pulisya kung saan nagsagawa ng entrapment operation. Dinakip ang mga suspek dakong alas-5:15 kamakalawa ng hapon sa bahay ni Salandanan na ginawa nitong klinika kung saan isa sa mga pulis ang nagpanggap na pasyente. Natuklasan sa operasyon na walang “Certificate of Registration” at Professional Identification Card buhat sa Philippine Regulation Commission (PRC).
Narekober sa naturang klinika ang iba’t ibang dental instrument, mga pustiso at iba pang gamit ng isang dentista. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending