^

Metro

Tindero inatado

-

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang tindero nang pagsa­saksakin siya ng tatlong armadong lalake sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot pa sa Pasay City General Hospital ang bikti­mang si Ericsson Yabut, 33, residente ng Malibay, Pasay City, habang isinusulat ito. Mabilis namang nakatakas ang mga suspek na nakilala lang sa alyas na Jon-jon, Abet at Jaime na pawang mga residente ng S. de Guzman St.

Lumilitaw sa imbestigasyon na naglalakad sina Yabut at ang live-in partner niyang si Jocelyn Pangilinan sa na­turang lugar nang makasalubong nila ang mga suspek. 

Kinom­­pronta ng mga suspek si Yabut hinggil sa panli­ligaw umano niya sa isang Arnie na pinopormahan ng isa sa mga suspek.

Pinabulaanan ni Yabut ang akusasyon pero nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkabilang panig hanggang pagsasaksakin ng mga suspek ang biktima. (Rose Tesoro)

vuukle comment

ERICSSON YABUT

GINAGAMOT

GUZMAN ST.

JAIME

JOCELYN PANGILINAN

JON

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

ROSE TESORO

YABUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with