^

Metro

Mobile cars sa MM lalagyan ng GPS

-

MANILA, Philippines - Upang mabilis na ma­ka­pagresponde sa crime scene at emergency, pina­plano na ng National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) na lagyan ng Global Positioning System (GPS) ang lahat ng mga mobile cars na nagpa­pat­rul­ya sa mga tinaguriang crime prone areas sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Chief Director Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales, ang GPS system ay na­ging epektibo matapos itong ikabit sa 124 mobile patrol cars noong siya pa ang hepe ng Manila Police District.

Sinabi ni Rosales na malaki ang naitulong ng GPS system upang mapa­baba ang kriminalidad sa lungsod ng Maynila kung saan sa loob lamang ng ilang minuto ay nakaka­pag­responde na ang mga pulis laban sa pag-atake ng mga elementong kriminal.

Inihayag ni Rosales na ang nasabing modernong teknolohiya ay isa ring mabisang paraan para matukoy ang lokasyon ng mga mobile patrol cars at huwag itong magamit sa mga lakad na personal ng ilang mga tiwaling pulis.

“So kapag nakaparada yung mobile cars sa mga bawal na areas dun sa Pasig , huli ka “, pabirong sabi pa ni Rosales.

Nabatid kay Rosales na ang bawat GPS sys­tems ay nagkakahalaga ng mula P15,000 hanggang P26,000 depende sa klase ng ilalagay na software sa sasakyan.

“We are hoping to have all police cars in Metro Manila to be equipped with GPS systems by the end of this year,” giit pa ni Ro­sales.

Sa kasalukuyan, ayon kay Rosales ay nakikipag­diyalogo siya sa mga al­kalde sa Metro Manila na nagpahayag ng kahanda­ang suportahan ang pagbili ng GPS sa mga local na mobile patrol car units upang mapababa ang kri­minalidad sa kanilang mga hurisdiksyon at para sa mabilis na pagresponde ng mga pulis.

Nabatid na ang Que­zon City Police District ay may 200 na police patrol cars na karamihan ay donasyon ni Quezon City Mayor Feliciano “Sonny” Belmonte. (Joy Cantos )


CHIEF DIRECTOR CHIEF SUPT

CITY POLICE DISTRICT

GLOBAL POSITIONING SYSTEM

JOY CANTOS

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

NABATID

NATIONAL CA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with