^

Metro

2 puganteng Kano, idineport ng BI

-

MANILA, Philippines - Dalawang puganteng Kano   na may kasong drug trafficking ang pinatapon palabas ng bansa ng Bureau of Im­migration (BI).

Ayon kay BI Associate Commissioner Roy Almoro, nag- isyu ng summary depor­tation ang BI board of commissioner laban kay Rizal Balgos, 60; at Kevin Mitchel Gore, 40. Isinailalim na rin ang dalawa sa im­migra­tion blacklist upang hindi na muling makapasok sa PIlipinas .

Lumalabas sa rekord ng BI na si Bal­gos ay may kasong drug trafficking sa Hawaii, samantalang si Gore ay sangkot naman sa mulit-million dollar bank fraud.

Sinabi naman ni Atty. Floro Balato Jr. spokesman ng BI, si Gore ay pinapatapon palabas ng bansa noong Huwebes sa pamamagitan ng Continental Airlines patungong Guam kung saan ito susunduin ng US marshals patungong mainland US.

Itinuturing din na mga undocumented aliens ang dalawa matapos na kanselahin ng US government ang kanilang pasa­porte. Nabatid na naaresto si Balgos ng BI noong Marso 6 sa kanyang bahay sa Bambang, Nueva Vizcaya, samantalang si Gore ay dinakip noong Feb.26, 2009 nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airports (NAIA) matapos na manggaling sa Hongkong. (Gemma Amargo-Garcia)


vuukle comment

ASSOCIATE COMMISSIONER ROY ALMORO

AYON

BALGOS

BUREAU OF IM

CONTINENTAL AIRLINES

FLORO BALATO JR.

GEMMA AMARGO-GARCIA

KEVIN MITCHEL GORE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORTS

NUEVA VIZCAYA

RIZAL BALGOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with