^

Metro

500 kilo ng hot meat nasamsam

-

MANILA, Philippines - Aabot sa 500 kilo ng double dead na karne ang nakumpiska ng mga awtoridad sa may isang palengke sa lungsod Quezon kamakalawa.

Ayon sa ulat, ang nasabing karne ay natagpuan ng tropa ng Quezon City Police Department habang nakasilid sa isang plastic bag at inabandona malapit sa Balintawak Public Market ganap na alas- 10 ng gabi.

Sinasabing natuklasan ang naturang karne matapos na umalingasaw ang masangsang na amoy mula dito.

Nagpapatrulya naman ang mga tropa ng QCPD Station 1 at napuna ito kung saan nang siyasatin ay nadiskubre ang naturang nabubulok na karne.

Nakatakda namang sunugin ng tropa ang nasabing karne sa Payatas.

Naniniwala ang mga awtoridad na na­iwan lamang ang karne ng isang mamimili sa nasabing lugar.

Magugunitang, sa Balintawak Market din nakuha ang bulto-bultong karneng hot meat noong nakalipas na ilang buwan. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

AABOT

AYON

BALINTAWAK MARKET

BALINTAWAK PUBLIC MARKET

KARNE

MAGUGUNITANG

NAGPAPATRULYA

NAKATAKDA

QUEZON CITY POLICE DEPARTMENT

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with