^

Metro

EBIDENSIYA ILALANTAD:Kaso ni Ted, huwag munang husgahan - Gen.Verzosa

- Joy Cantos, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Huwag munang hus­ga­han ang kaso ni Ted!

Ito ang panawagan ka­hapon ni Philippine Na­tio­nal Police (PNP) Chief Di­rector General Jesus Ver­zosa sa lahat ng sektor ka­ugnay ng samutsaring mga espeku­lasyon hinggil sa isyu ng suicide o foul play sa posib­leng parri­ cide sa pagka­matay ni Trinidad Etong, misis ni ABS-CBN broad­caster Ted Failon sa Que­zon City noong Abril 15.

Sa panayam, sinabi ni Verzosa na dapat nang tigilan muna ang maagang paghusga sa sanhi ng pag­kamatay ni Trinidad sa da­hilang ito ay posibleng makagulo lamang sa takbo ng imbestigasyon na ma­susing isinasagawa ng pulisya.

Binigyang diin ni Ver­zosa na ipinag-utos niya ang malalimang imbesti­gas­yon sa kaso, ipina­lulutang ang lahat ng mga ebidensya na nakuha sa crime scene upang lumi­litaw ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Trinidad.

Ayon kay Verzosa, hindi makakatulong sa im­bestigasyon kung huhus­gahan kaagad ang kaso gayong hindi pa naman tapos ang isinasagawang imbestigasyon, partikular na ng Criminal Investi­ga­tion and Detection Group (CIDG) at Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Quezon City Police District.

Sa ngayon ay sari-saring mga opinyon at haka-haka ang lumulu­tang sa pagkamatay ng 45-anyos na si Trinidad, na natagpuang may tama ng bala sa kaliwang sen­tido ni Ted at ng mga ka­sambahay nito sa kanilang tahanan sa #27 General Aquino Street, Tierra Pura Subd. sa Quezon City.

Sa kabila ng mga mag­kakasalungat na tes­ti­mon­ya ni Ted at apat na kasam­bahay nito hinggil sa ka­nilang pagkakadiskubre sa posisyon ng duguang si Tri­ni­dad sa loob ng ka­nilang banyo, sinabi ni Verzosa na malaki ang maitutulong ng pisikal na ebidensya na nakalap ng SOCO teams mula sa crime scene.

“We are correlating all pieces of physical evi­dence that were lifted on the crime scene, the in­vestigation was still on going,” pa­liwanag ng Chief PNP.

Samantalang bunga ng paglilinis sa crime scene ay nahaharap sa kasong obstruction of justice si Ted Failon, mga katulong na sina Carlota Morbos, Wil­freda Bollicer, houseboy na si Pacifico Apacible at driver na si Glenn Ponan.

Gayundin ang hipag at bayaw ni Ted na sina Pa­mela at Max Arteche na ma­rahas na inaresto ng Quezon City Police District sa hospital noong Huwe­bes ng gabi bunsod upang ipasibak ang mga pulis na gumamit ng ‘excessive force’ sa nangyaring ko­mosyon.

Nagpahayag din ng paniniwala si Verzosa na hindi maaapektuhan ang mga imbestigador ng Spe­cial Task group ng Quezon City Police District ng mga batikos mula sa media ka­ugnay sa pagsa­sagawa ng imbestigasyon sa pagka­matay ni Trinidad.

Samantala, umapela rin ang pulisya sa pamilya ni Ted na tumulong sa ka­nila para agad na ma­re­solba ang naturang kaso.

 Sa press conference kahapon sa tanggapan ng QCPD sa Camp Karingal, hiniling ni QCPD OIC Di­rector, Sr. Supt. Elmo San Diego, sa pamilya Etong at Arteche, mga kasam­bahay, drivers at lahat ng kaanak ng nasawing si Tri­nidad na magtungo sa ka­nilang tanggapan at tulu­ngan sila upang masagot ang mga importanteng tanong sa kung ano ang tunay na dahilan ng pagka­matay ni Trinidad.

Ayon kay San Diego, hindi nila kailangan ang anumang haka-hakang lumulutang kaugnay sa kaso dahil nakakasira lamang umano ito sa kon­sentrasyon ng kanilang ope­ratiba para agad na masolusyunan ang na­sabing insidente.

Samantala, nakapokus naman ngayon sa imbes­ti­gasyon ang tropa ni San Diego sa tama ng bala o tra­­jectory bullet sa ulo ng biktima dahil dito nila umano madedetermina kung ano ang tunay na nangyari halimbawa kung nagpaputok ba ito o may ibang gumawa.


AYON

CAMP KARINGAL

CARLOTA MORBOS

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAN DIEGO

SHY

TED FAILON

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with