MANILA, Philippines - Iniutos kahapon ni DOJ Secretary Raul Gonzalez sa NBI na imbitahan ang isang kaibigan ni Ted Failon na posibleng magbigay-linaw sa naganap na pamamaril sa bahay ng nabanggit na newscaster. Binanggit ng DOJ chief na nakatanggap siya ng impormasyon kahapon sa pamamagitan ng text message na may posibleng masabi ang isang Delfin Lee na nasa loob umano ng bahay ni Failon nang maganap ang shooting incident. (Gemma Amargo-Garcia)