^

Metro

Chinese national dawit sa droga, tiklo ng Bureau of Immigration

-

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na ikinukunsiderang undesirable alien dahil sa pagkakasangkot sa operasyon ng isang shabu laboratory sa Roxas, Palawan, dalawang kaso ng estafa at pagkakanlong ng Chinese illegal fishermen. Kinilala ang suspected drug trafficker na si Xu Qing Jiang , 46 , na nakapiit sa BI jail sa Bicutan matapos maharang si Xu sa NAIA terminal 2 habang papasakay ng flight patungong Puerto Princesa. Nabatid na isa si Xu sa suspek na nagmementine ng shabu laboratory na sinalakay noong Enero 17, 2009 na nagresulta sa pagkakasabat ng mga gamit at sangkap sa paggawa ng ilegal na droga. Sa rekord, may deportation order na inisyu ang BI laban kay XU, pitong taon na ang nakararaan. Sangkot din umano sa pagkakanlong ng mga iligal na mangi­ngisdang Chinese nationals si XU noong Mayo 17, 2002, dahil sa iligal na pagpasok at pangingisda sa kara­ gatan na sakop ng Palawan. Naging dahilan ito upang mag­palabas ng deportation order ang BI partikular ang tangka umanong panunuhol ni Xu sa mga awtoridad para palayain ang mga kababayan niyang mangingisda. Naberipika din ang dalawang kasong estafa na kinaka­harap ni Xu sa Palawan Court. Ayon kay BI Associate Com­missioner Roy Almoro, mananatili si Xu sa bilangguan habang nakabinbin ang pagpapatupad ng deportation laban sa kanya. (Ludy Bermudo)

ASSOCIATE COM

AYON

BICUTAN

BUREAU OF IMMIGRATION

LUDY BERMUDO

PALAWAN

PALAWAN COURT

PUERTO PRINCESA

ROY ALMORO

XU QING JIANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with