^

Metro

Ex-Army kinatay ng 2 karpintero

-

MANILA, Philippines - Mistulang hayop na pinagtu­lungang katayin ng dalawang karpintero ang isang 53-anyos na ex-Army na kawani ngayon ng Department of Transpor­tation ang Communication (DOTC) sa harapan mismo ng dalagang anak nito, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Manuel Pineda na pinagha­ha­taw ng tubo sa ulo at ataduhin pa ng saksak ng mga suspect na sina Paquito Ventoso, 58; at isang alyas “Pulatata”, kapwa nasa hustong gulang na pa­wang nakatira sa Green Valley, San Nicolas, Molino 3, Bacoor Cavite.

Batay sa   imbestigasyon ng pulisya, ipinapagawa ng biktima sa dalawang suspect ang kanyang bahay   sa Blk 30-Lot 20, Mount Carmel corner Love lane St., Christian Ville Sub­division, Talon 5, Las Piñas City.

Nabatid na noong Sabado pa sinimulan ng dalawang suspect ang pagkukumpuni at paglalagay ng extension sa bahay ng biktima subalit lagi na lamang umanong pinupuna at nilalait ng huli ang mga kapal­pakan sa trabaho ng dalawa.

Posibleng ito umano ang da­hilan nang pagka-irita ng da­lawang salarin kung kaya kahapon habang kumakain ng almusal si Pineda ay muli umanong pinuna nito ang palpak na trabaho ng dalawa hanggang hatawin na siya ng tubo at ataduhin ng saksak sa harap ng anak na si Angelina. (Rose Tamayo Tesoro)

vuukle comment

BACOOR CAVITE

CHRISTIAN VILLE SUB

DEPARTMENT OF TRANSPOR

GREEN VALLEY

LAS PI

MANUEL PINEDA

MOUNT CARMEL

PAQUITO VENTOSO

ROSE TAMAYO TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with