^

Metro

Jocap inilibing na sa Marikina

-

MANILA, Philippines - Inihatid na sa kanyang hu­ling hantungan ang mga labi ni Press Undersecretary Jose “Jocap” Capadocia kahapon sa Loyola Memorial Park sa Mari­kina City na dinaluhan ng higit 300 kamag-anak, kaibigan at mga kasamahan sa trabaho sa Malacañang.

Pinangunahan ni Press Sec­retary Cerge Remonde at Marikina Mayor Marides Fer­nando ang mga opisyales ng pamahalaan na dumalo sa naturang okasyon habang nag­pahatid naman ng kanyang muling pakikiramay si Pangul­ong Arroyo.

Nagpalipad ang mga mi­yembro ng pamilya at mga kaibigan ni Jocap ng puti at asul na mga lobo na may nakasulat na: “So long, Jocap”.

Nagbigay rin ng kanilang huling mga mensahe ang mga kapamilya, kaibigan, kasama­han sa trabaho at maging mga kapitbahay sa Sta. Mesa, May­nila sa isang misa bago tulu­yang ibaon ang kanyang mga abo. Nabatid na una nang isina­ilalim sa cremation ang bangkay ni Capadocia.

Isa si Capadocia sa walong sakay ng Presidential Chopper na bumagsak nitong nakaraang linggo sa may kabundukan ng Ifugao kung saan nakilala ito sa pamamagitan ng suot na boots at sigarilyo sa bulsa.

Sinabi ng mga nakasama sa propesyon bilang mamamaha­yag na nagsilbing modelo at ama sa mga nakakabatang mama­mahayag si Capadocia na naging katangi-tangi ang pakikisama at dedikasyon sa tungkulin nito. (Danilo Garcia)

CAPADOCIA

CERGE REMONDE

DANILO GARCIA

JOCAP

LOYOLA MEMORIAL PARK

MARIKINA MAYOR MARIDES FER

PRESIDENTIAL CHOPPER

PRESS SEC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with