Koreano timbog sa pekeng passport
MANILA, Philippines - Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national dahil sa tangkang paggamit ng pekeng Philippine Passport sa pag-alis nito sa bansa.
Si Jung Hwan Kim ay inaresto ng mga tauhan ng Migration Compliance and Monitoring Group (MCMG) ng BI terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nabatid na tinangka ng dayuhan na gamitin ang pasaporte na inisyu sa isang Ernesto Perez Tan.
Nabatid na habang sinusuri ang kagamitan ng inarestong dayuhan, nakita ng mga immigration agents ang lisensya ni Kim mula sa Papua New Guinea. Napatunayan ding authentic ang nasabing pasaporte na may larawan mismo ni Kim.
Sa isinagawang imbestigasyon, inamin din ni Kim na peke nga ang gamit niyang Philippine Passport. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending