^

Metro

Kelot 'sinapian', nanaksak sa jeep

-

MANILA, Philippines - Kritikal ngayon ang isang lalaking pasahero makara­ang pagsasaksakin ng kapwa nito pasahero gamit ang isang gunting matapos na umano’y mawala sa sarili at mistulang sinapian umano ng demonyo ang huli sa loob ng isang pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Pasig City. Inoobserbahan sa Pasig City General Hos­pital sanhi ng tinamong saksak sa likod at braso ang biktimang si Percival Fadriquela, 26, ng Welfareville Com­pound, ng naturang lungsod. Arestado naman ma­tapos na ma­damba ng kapwa pasahero ang suspek na si Clarito Baldo, 31, at naninirahan sa Villa Monique, Brgy. Pinagbuhatan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi habang lulan ang biktima at suspek sa isang jeep na may rutang Pasig-Quiapo sa may Shaw Blvd. sa kanto ng Ortigas Center. Wala umanong sabi-sabing nagbunot ng gunting ang suspek at inatake ng saksak sa likod ang nagulat na biktimang si Fadriquela na katabi nito sa upuan. Susundan pa ito ng saksak ng suspek ngunit nasalag ng braso ng biktima kung saan dito na siya naawat at napag­tulungan ng iba pang lalaking pasahero ng jeep.

Mabilis namang isinugod si Fadriquela sa pagamutan habang isinuko ang suspek na si Baldo sa pulisya. Sa loob ng istasyon, ikinatwiran ni Baldo na hindi niya kilala ang biktima at hindi rin umano niya alam ang kanyang ginagawa. Iginiit nito na biglang nandilim ang kanyang paningin at nawalan ng malay hanggang sa matauhan na lamang siya nang pinagtutulungan na siyang awatin sa loob ng jeep. Sinabi pa nito na maaaring sinaniban siya ng ma­samang ispiritu dahil sa mga problemang kanyang dina­dala sa kanyang pamilya at kawalan ng trabaho. Handa rin umano niyang panagutan ang kasong “frustrated homicide” na isinampa sa kanya ng pulisya sa korte. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BALDO

CLARITO BALDO

DANILO GARCIA

FADRIQUELA

ORTIGAS CENTER

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOS

PERCIVAL FADRIQUELA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with