^

Metro

2 estudyante ng PMI kinasuhan

-

MANILA, Philippines - Inirekomenda kaha­pon ng piskalya ng Maynila ang pagsasampa ng ka­song attempted robbery with homicide, mula sa attempted robbery with frustrated homicide laban sa dalawang estudyante ng Philippine Maritime Institute (PMI) sa Manila Regional Trial Court (RTC) bunsod ng tuluyang pag­kamatay ng taxi driver na kanilang hinoldap at sinaksak noong Marso 21, 2009, sa Ermita, Maynila.

Ang mga suspect ay ki­nilalang sina John Warren Lumahan, 20, at Ernesto T. Gotido, 22,   mag­ka­klase sa Marine Engineering.

Itinakda ni Assistant City Prosecutor Winnie M. Edad ang piyansang P80,000 bawat isa para sa pansamantalang paglaya ng mga ito.

Sa impormasyon na inihain sa korte, hinoldap ng  dalawa ang biktimang si Benjamin S. Pelonio, 30, driver ng Munich Taxi   noong Marso 21, dakong alas-12:30 ng madaling- araw.

Nagkunwaring magpa­pahatid sa Malate ang dalawa subalit pagdating sa paanan ng Jones bridge ay nagdeklara ng holdap. Hindi ibinigay ng biktima ang kinita at sa halip ay nagtangkang agawan ng patalim ang isa sa mga suspect hanggang sa masaksak siya sa tiyan ng ilang ulit,.

Nang makita ng mga tao ang komosyon ay si­nak­lolohan ang driver kaya mabilis namang nagsi­takbo ang 2 holdaper hang­gang sa dumating na ang rumespondeng mga pulis kaya napilitang tu­malon ang mga ito sa ilog Pasig, sa likod ng PhilPost pero nasakote din ng mga awtoridad.

Lumipas ang ilang araw at noong Marso 25, 2009 ay binawian ng bu­hay ang biktima sa Phi­lippine General Hospital (PGH). (Ludy Bermudo)


ASSISTANT CITY PROSECUTOR WINNIE M

BENJAMIN S

ERNESTO T

GENERAL HOSPITAL

JOHN WARREN LUMAHAN

LUDY BERMUDO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARSO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with