^

Metro

Bodega pinasok ng acetylene gang

-

MANILA, Philippines - Isang bodega sa Protacio St., Pasay City ang hinihina­lang nilooban ng mga miyem­bro ng Acetylene gang at natangayan ng may 100,000 halaga ng mga kalakal kama­kalawa ng gabi.

Lumilitaw sa imbestigas­yon ni PO3 Marianito Agas ng Pasay City Police-Station Investigation and Detective Ma­nagement Section na kabi­lang sa ninakaw ng mga sus­pek sa bodega ang 500 payong at pitong sako ng synthetic belt.

Sinabi ng 46 anyos na negosyanteng si You Go Chen na may-ari rin ng naturang mga kalakal na, bandang hapon kamakalawa, inayos nila ng kanyang mga helper ang kahon-kahong kalakal sa naturang bodega para ihanda ito sa delivery.

Subalit kahapon ng umaga, ibinalita sa kanya ng anak ng may-ari ng inuupa­han niyang bodega na nilo­oban ito at nawawala na ang kanyang mga kalakal.

Winasak ng mga suspek ang steel accordion door ng bodega sa tulong ng acetylene.

Hinihinala ng pulisya na madaling-araw nang looban ng mga suspek ang bodega. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BODEGA

HINIHINALA

LORDETH BONILLA

MARIANITO AGAS

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE-STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MA

PROTACIO ST.

SHY

YOU GO CHEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with