^

Metro

Luneta iilawan sa solar panel

-

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Manila Mayor Alfredo Lim na malaki ang matitipid ng pamahalaang-lunsod sa sandaling matuloy sa Hunyo ang paggamit ng solar panel para sa suplay na kuryente sa Rizal Park o Luneta.

Sinabi ni Lim na nakatakdang magtungo sina Deputy Mayor Joey Silva at Bureau of Permits chief Nelson Alivio sa Quan­zhou, China sa Abril 16-19 para paunlakan ang imbitasyon ng Centron Communication Technologies Filipinas Co. LTD upang obserbahan ang solar panel nito.

Nabatid naman kay Carlo Tan, Account Manager ng kom­panya, ang naturang solar panel na nagkakahalaga ng P5 milyon ay libreng ikakabit sa malapit sa rebulto ni Ninoy Aquino sa Luneta kung saan awtomatiko itong magbubukas pagsapit ng gabi at ang enerhiya ay manggagaling sa araw.

Sinabi pa ni Silva na malaki ang matitipid ng lungsod kung saan ito ang kauna-unahang solar light na susubukan sa Maynila.

Posibleng sa Hulyo ay tapos na ang pagkakabit nito sa Luneta dahil may tatlong buwan din itong itatayo sa lugar. (Doris M. Franche)

ACCOUNT MANAGER

BUREAU OF PERMITS

CARLO TAN

CENTRON COMMUNICATION TECHNOLOGIES FILIPINAS CO

DEPUTY MAYOR JOEY SILVA

DORIS M

LUNETA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

NELSON ALIVIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with