Traffic aide ikakalat

MANILA, Philippines - Nagpakalat ng mga traffic enforcer ang Metropolitan Manila Development Authority para matiyak na magiging maayos ang daloy ng trapiko sa pagbabalik ng mga bakasyunista mula sa kanilang mga lalawigan. Itatalaga ang mga enforcers sa istratehikong lugar mula sa bungad ng North Luzon Expressway at South Luzon Express­way papasok sa Metro Manila dahil sa inaasa­hang pagdagsa ng mga motorista mula ngayong araw na ito o bukas. (Lordeth Bonilla)

Shut-off sa Makati

Ipatutupad ng pamahalaang lungsod ng Makati ang “one minute engine shut-off” sa panimula ng tatlong araw na pagdiriwang ng Earth Day 2009. Hihilingin sa mga motorista ang isang minuto na pagpatay ng kanilang makina bilang kontribusyon sa kampanya laban sa global warming sa ganap na alas-8 ng umaga sa Miyerkules. Ipapatupad ito sa mga magdaraang sasakyan sa Paseo de Roxas sa panulukan ng Ayala Avenue sa Makati City. (Lordeth Bonilla)

Show comments