^

Metro

Live-in partner ipinagtanggol: Puso ng mekaniko binutasan

-

MANILA, Philippines - Patay agad ang isang mekaniko matapos tarakan sa dibdib ng isang di-nakikilalang salarin makaraang ipagtanggol ng una ang kanyang kinakasama na nakasagutan ng huli sa Barangay Commonwealth, Quezon City sa kasagsagan ng Biyernes Santo kamakalawa.

Isang tama ng saksak sa kaliwang dibdib na nag­lagos sa puso ang sanhi upang agad na bawian ng buhay sa ospital ang biktimang si Genesis Velvis, 36, auto mechanic at residente sa Kalayaan St. sa Commonwealth.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril.

Nangyari ang insidente sa may harap mismo ng bahay ng biktima ganap na alas-10:30 ng gabi kamakalawa.

Ayon kay SPO2 Juan Mortel, bago nito, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang kaibigang si Norlito Basi Jr., nang magpasya itong umuwi kasama ang kinakasamang si Miriam Buenafe.

Ngunit bago umuwi ay nagpasya ang dalawa na dumaan sa malapit na tindahan para bumili ng yelo. Dito ay nasalubong ng babae ang suspek at sa hindi mabatid na kadahilanan ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.

Nang malaman ito ng biktima ay kinompronta nito ang suspek bago tuluyang umuwi ng kanilang bahay. Ngunit sinundan ng suspek ang biktima at bago pa makatuntong ito ng kanyang bahay ay inundayan ng isang saksak sa dibdib saka tumakas.

Nagawa pang maitakbo sa East Avenue Medical Center ang biktima ngunit idineklara din itong dead-on-arrival. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BARANGAY COMMONWEALTH

BIYERNES SANTO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GENESIS VELVIS

JUAN MORTEL

KALAYAAN ST.

MIRIAM BUENAFE

NGUNIT

NORLITO BASI JR.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with