Enrolment sa ABAKADamayan simula na

MANILA, Philippines - Iniimbitahan ng ABAKADamayan ang mga mam­ba­basang nasa edad 20-60 taong gulang na interesadong makapagtapos ng high school at gustong mag­karoon ng diploma na magpatala para sa muling pag­bubukas ng klase ngayong 2009-Batch 7.  

Maaaring magsadya at magparehistro sa tanggapan ng STAR Group of Publications sa Roberto Oca cor. Railroad Sts., Port Area, Manila sa Abril 16-17, 23-24 at Abril 30, ganap na ala-1 hanggang alas-5 ng hapon.

Magdala ng mga sumusunod: Kopya ng birth certificate­; orihinal na kopya ng barangay certi­ficate at apat na piraso ng 1X1 ID picture.

Ang Abakadamayan ay isang non-formal school na bahagi ng Bureau of Alternative Learning System ng Department­ of Education. Ito ay nasa ikapitong taon na at isa sa mga proyekto ng Ope­ration Damayan, ang social­ arm ng Star Group of Publications – The Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, Pang-Masa at Freeman.


Show comments