^

Metro

Riding in tandem, timbog sa baril at droga

-

MANILA, Philippines - Bunsod ng ginawang paghihigpit ng Manila Police District (MPD) sa riding in tandem na sangkot sa serye ng krimen, dalawang lalaki kabilang ang isang wanted sa patung-patong na kaso at may hawak ng sindikato ng ‘pailaw’ o iligal na koneksiyon ng kuryente, sa Parola Binondo, Maynila ang nadakip kahapon.

Ipinrisinta   kay Manila Mayor Alfredo S. Lim ang mga suspek na sina Edgar Rioferio, 36 , alyas “Tambobo” ng  Area C, Parola Compound, Binondo, Maynila at Jimmy Blanco, 41, alyas  “Spider”,   ng Purok 1 Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni P/Supt. Nelson Yabut, hepe ng MPD-Station 11 (Binondo) , dakong alas-2:05 kahapon ng madaling-araw nang arestuhin ang mga suspek sa Gate 54 Area C, Parola Compound makaraang pagdudahan ang pag-ikut-ikot nila sa lugar na magka-angkas sa motorsiklo na kulay pula (NO-3876).

Nang masita ay nakapa ang sukbit na kalibre 9 mm. na baril ni Blanco at 3 plastic sachet ng shabu naman ang nakuha kay Rioferio.

Nang isailalim sa beripikasyon, natukoy na si Rioferio ay res­ponsable sa pamamaslang sa isang Ricky Moreno,  construction worker ng Parola compound, noong Marso  23, 2008. Dahilan umano ito sa pagre-report ni Moreno sa illegal connection na ginagawa ng grupo ni Rioferio at komukolekta ng malaking halaga sa maraming kabahayan sa Parola.

Sinabi ni Yabut na nakumpirma din ang ulat na si Rioferio ang inirereklamo ng Manila Electric Company (Meralco) na may kagagawan ng paninindikato sa ‘jumper’ ng kuryente sa lugar.

Nabatid na nagtago muna sa Cavite si Rioferio nang mag-isyu ng warrant of arrest ang korte at muling lumantad upang pamahalaan muli ang illegal connection at koleksiyon sa kuryente sa lugar ng Parola.

Si Rioferio umano ay dating  tauhan ng isa pang murder suspek na si alyas “Baldo” kasalukuyang nagtatago diumano sa Cavite City, na nakabaril sa kaalitang si Bonifacio Lebrilla, 47, dahil sa alitan din sa kuryente at nakabaril din sa apat na menor de edad  na naglalaro at nadamay noong Enero 26, 2009. Si Rioferio ang humahawak ng koleksiyon dahil sa pagtatago ni alyas “Baldo” na ‘robinhood’ umano sa lugar kaya pinagtatakpan ng mga kakilala. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

AREA C

BALDO

BINONDO

BONIFACIO LEBRILLA

MAYNILA

PAROLA

PAROLA COMPOUND

RIOFERIO

SI RIOFERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with