Pamamaril ng 2 naka-motorsiklo sa Tondo, bahagi ng initiation rites

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Manila Police District (MPD) di­rector Chief Supt. Rodolfo Mag­tibay na bahagi ng initiation rites ang gumagala at nama­maril na “riding in tandem” kung saan sina­­sabing anim na ang nabi­bik­tima ng mga ito sa Tondo.

Ayon kay Magtibay, batay sa report na kanyang natanggap wala namang motibo ang mga suspect upang barilin   ang mga biktima dahil ang mga ito ay pawang mga sibilyan lamang.

Lumilitaw na napagtitripan lamang ng   riding in tandem ng mga ito ang mga bibiktimahin partikular sa lugar na sakop ng MPD Station 1 na pinamu­mu­nuan ni Supt. Ernesto Tendero.

Kasabay nito, agad namang inatasan ni Magtibay si Tendero na doblehin ang monitoring at pagmamanman   sa posibilidad na muling umatake ang “riding in tandem” ngayong Semana Santa. Aminado din si Tendero na nakaaalarma din ang bilang ng insidente kung kaya’t pina­pa­yuhan din niya ang publiko na manatili na lamang sa kanilang bahay at magtika sa halip na gumala upang maiwasan din ang anumang mga disgrasya.

Tiniyak din nito na patuloy na gumagana ang mga CCTV camera na laban sa mga sin­di­kato at kriminal ngayong Mahal na Araw na nananamantala ng pagkakataon. (Doris Franche)


Show comments